Ambuklao Dam, nagpakawala ng tubig

34

Nagpakawala ng tubig kaninang hatinggabi ang Ambuklao Dam sa Bokod, Benguet kasunod na rin ng walang tigil na pag-ulang dala ng Hanging Habagat.

Nabatid na umabot na sa 750.10 meters ang lebel ng tubig sa reservoir.


Sa abiso ng National Power Corporation (Napocor) – Binga Dam FFWS Office, binuksan ang Gate no. 4 sa 0.5 meters.

Nasa 65 cubic meter per second (cms) ang tinatayang dami ng tubig ang papakawalan.

Una nang nagpakawala ng tubig ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan kahapon at inalerto ang mga residenteng malapit sa Angat River, at low-lying communities sa Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, at Hagonoy.

Facebook Comments