AMBUSH | Pulis na kasama sa pag-ambush kay Atty. Cabatbat, matagal nang AWOL

272

Manila, Philippines – Matagal nang nag-AWOL (Absence Without Official Leave) o hindi na nag-report sa kaniyang bagong assignment si Police Officer 1 Mark Boquela Aeras na isa sa tatlong riding in tandem na umambush kay Atty. Argel Joseph Cabatbat.

Sa Presscon, sinabi ni QCPD District Director Pcsupt. Guillermo Eleazar, buwan pa ng Oktubre nang hindi na nagpakita Regional Public Safety Battalion ng NCRPO si Ayeras.

Isang taon din ito na nagsilbi sa District Public Safety Battalion bago nalipat sa NCRPO.

Ayon naman kay Atty. Cabatbat, paghihiganti ng umano’y doctor na napatanggal sa serbisyo ang isa sa motibong nakikita niya sa pagtatangka sa kaniyang buhay.

Facebook Comments