American Boxer na si Errol Spence Jr., gustong makaharap si Manny Pacquiao

57

Hindi pa rin nawawala ang pag-asa ng American Professional Boxer na si Errol Spence Jr. na makaharap sa ring si Fighting Senator Manny “Pacman” Pacquiao.

Ayon sa World Boxing Council at Intercontinental Boxing Federation (IBF) Champion, nananatili sa kanyang listahan ng mga gustong makalaban si Pacman.


Para kay Spence, isang karangalan ang makaharap ang boxing legend kung saan tiniyak niyang magiging maganda ang kanilang pagtatapat sa ring sakaling matuloy ang laban.

Pero sa ngayon, makakalaban muna ni Pacman ang dating Ultimate Fighting Champion (UFC) Featherweight at Lightweight Champion na si Connor McGregor sa susunod na taon.

Facebook Comments