American National na nagtangkang magpuslit ng sanggol noong nakaraang taon, muling inaresto ng NBI-NAIA

285

Muling inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Ninoy Aquino International Airport (NBI-NAIA) ang babaeng American national na unang naaresto dahil sa tangkang pagpuslit ng sanggol sa NAIA 3.

Si Jennifer Talbot ay inaresto ng NBI habang dumadalo sa hearing sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) dahil sa isa pang kasong kidnapping.


Ang warrant of arrest laban kay Talbot ay pinalabas ng Pasay city RTC Branch 109.

Una na siyang naaresto at nakulong sa bansa pero nakapagpiyansa kaya muli itong nakalaya.

Pansamantalang ikukulong sa NBI Main Headquarters sa Maynila si Talbot.

Facebook Comments