Nagpakitang-gilas ang United States Marine Corps matapos mag-deploy ng makabagong Navy-Marine Expeditionary Ship Interdiction System (NMESIS) sa hilagang bahagi ng bansa bilang bahagi ng Balikatan Exercises 2025.

Ang NMESIS, isang land-based missile system na dinisenyo para supilin ang mga kalabang puwersa sa dagat, palakasin ang maritime domain awareness, at patibayin ang depensa ng Pilipinas at Amerika.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginamit ang NMESIS sa Balikatan Exercise.

Matatandaang una nang sinabi ni United States Defense Secretary Pete Hegseth kay Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na nais nilang mare-establish ang “deterrence” sa Indo-Pacific Region para maging malaya ang Pilipinas sa anumang banta.

Ang Balikatan Exercise ay magtatagal hanggang sa May 9 kung saan nilalahukan ito ng halos 17,000 mga sundalo mula sa Pilipinas, US, at iba pang kaalyadong bansa.

Facebook Comments