AMINADO | Package 2 ng TRAIN Law, malabong maasikaso ng Senado

162

Manila, Philippines – Aminado si Majority Leader Migz Zubiri na malabong maasikaso sa ngayon ng senado ang package two ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Batay sa ilalim ng package two ng TRAIN Law, ibababa ang corporate income tax ng mga kumpaniya.

Paliwanag ni Zubiri, nagdesisyon ang mga senador sa isinagawa nilang causcus na pag-aralan muna itong mabuti.

Aniya, isa sa kanilang pangamba ay dumami ang mawawalan ng trabaho sa ilalim ng package two ng TRAIN Law.

Una nang hinikayat ni Pangulong Rdorigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) ang kongreso na ipasa na ang package two ng TRAIN Law.

Facebook Comments