AMINADO | Reality TV Judge Simon Cowell, aminadong nakatulong ang hindi niya paggamit ng cellphone

Hollywood – Inihayag ngayon ng reality TV judge Simon Cowell na naging maganda ang idinulot sa kaniya ng hindi paggamit ng mobile phone sa loob ng mahigit na 10 buwan.

Ayon kay Simon, mas lumakas ang kaniyang mental health at kasiyahan kung saan walang naging problema sa kaniyang komunikasyon sa ibang tao.

Naging maayos din ang kaniyang pakikitungo sa mga oras na hindi niya paggamit ng cellphone at nakatulong pa ito para mapalapit sa kanila.


Maging ang apat na taong gulang na anak na lalaki ni Simon ay nililimitahan niya sa paggamit ng cellphone.

Facebook Comments