AMNESTY | DOJ, nababahala na posibleng makalabas ng bansa si Trillanes

576

Nirerespeto ng Department of Justice (DOJ) ang desisyon ng Makati Regional Trial Court Branch 148 ng pag-aralan muna ang mosyon ng DOJ na humihiling ng pagpapalabas ng hold departure order (HDO) at warrant of arrest laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Justice secretary Menardo Guevarra, walang problema kung maghihintay sila ng labing-limang araw basta at may katiyakan na hindi aalis ng bansa si Senator Trillanes.

Nababahala si Guevarra na dahil sa hindi pagpapalabas ng hold departure order (HDO) ng Makati RTC Branch 148, posible aniyang makalabas ng bansa ang senador.

Ngayong araw na ito ay gagawin din ang pagdinig ng Makati RTC 150 sa kaparehong mosyon ng DOJ laban kay Senator Trillanes.

Facebook Comments