AMNESTY | Makati RTC 148, hindi nakapaglabas ng alias warrant of arrest laban kay Trillanes

13861

Manila, Philippines – Hindi pa nakapaglabas si Judge Andres Soriano ng Makati Regional Trial Court Branch 148 ng warrant of arrest laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Ito ay sa gitna ng urgent motion ng Department of Justice (DOJ) na maglabas ng warrant of arrest at Hold Departure Order (HDO) laban kay Trillanes matapos na ipawalang bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnesty na ibinigay dito ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Soriano, hindi pa niya matutukoy kung kailan siya makakapaglabas ng warrant of arrest laban kay Trillanes.

Aniya, patuloy pa nilang inaaral ang mga case record ni Trillanes.

Facebook Comments