AMNESTY | Petisyong inihain ni Sen. Trillanes, hamon sa SC justices

42

Manila, Philippines – Isang hamon sa mga mahistrado ng Korte Suprema na manindigan na ipaglaban ang kalayaan at karapatan na mamuhay ng maayos sa bansa.

Ito ang sinabi ni Atty. Reynaldo Robles, abugado ni Senator Antonio Trillanes IV kasunod ng paghahain nila ng petition for certiorari and prohibition na kumu-kwestyon sa pagbawi ng amnesty sa senador.

Ayon kay Robles, nakakapangilabot na nagagawa ng pamahalaan na arestuhin ang isang senador ng walang valid warrant.

Mas lalo aniya itong nakakatakot para sa isang ordinaryong mamamayan.

Facebook Comments