Ampatuan Chief of Police na nasawi matapos tambangan ng mga miyembro ng BIFF, ihahatid na sa huling hantungan ngayong araw

303

Ihahatid na sa huling hantungan si Police Lieutenant Reynaldo Samson, ang Chief of Police ng Ampatuan Municipal Police Station na nasawi sa pananambang sa Maguindanao noong Agosto 30.

Matatandaan na magsisilbi lang sana ng Warrant of Arrest (WOA) ang grupo ni Samson nang mangyari ang insidente sa Barangay Kapinpilan.

Ayon kay Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO) Chief Police Brigadier General Roderick Alba, magkakaroon ng funeral mass para kay Samson sa St. Peregrine Laziosi Parish and Diocesan Shrine sa Muntinlupa City ngayong umaga.


Habang ililibing si Samson sa Hill Memorial Park, Susana Heights, Muntinlupa City ngagong alas-12:00 ng tanghali.

Una nang kinumpirma ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasa likod ng pananambang sa grupo ni Lt. Samson.

Puspusan naman ang pagtugis sa mga ito lalo’t mayroon silang nakabinbing WOA.



Facebook Comments