Ana Patricia Non, patuloy pa rin na nakakatanggap ng death threats

171

Inamin ng founder ng Maginhawa Community Pantry sa Quezon City na patuloy pa rin ang natatanggap niyang death threats.

Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi ni Ana Patricia Non na ilang beses na siyang nabiktima ng modus sa online delivery service gamit ang kaniyang phone number.


Habang maliban din sa death threats, nakakatanggap din siya ng pagbabanta na siya ay gagahasain.

Sinabi naman ni Non na hindi muna siya tatanggap ng panayam upang makapagpahinga.

Matatandaang nitong Abril ay sinuspinde ang kaniyang volunteer pantry ng isang araw matapos ma-red-tag ng gobyerno.

Facebook Comments