Anak ng isang doktor sa Butuan City, patay nang pagbabarilin ng riding in tandem

310

Butuan City – Binawian ng buhay ilang oras habang ginagamot sa Butuan City Medical Center ang anak ng isang doctor sa siyudad matapos nagtamo ng apat na sugat sa kanyang katawan.

Kinilala ang biktima na si Marvin Jason Royeca, binata, residente ng Alviola Village, Brgy. Baan Km 3, Butuan City na anak ni Dra. Norma Royeca isang pediatrician.


Ayon kay PSI Ronelo Dormitorio, hepe sa BCPS 4 sakay ng kanyang pick up Isuzu Dmax kolor puti ang biktima ng binaril at napatay ng dalawang lalaking lulan sa isang motorsiklo noong Sabado, Hunyo 10 sa labas ng gate ng kanilang bahay.

Narecober sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng caliber 45 pistol.

Sa ngayon wala pang lead ang PNP at patuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa naturang insidente.
DZXL558

Facebook Comments