Anak ng Mexican drug lord na si Joaquin “El Chapo” Guzman, nakatakas sa kulungan

33

Manila, Philippines – Nakatakas sa kulungan ang anak ng Mexican drug lord na si Joaquin “El Chapo” Guzman.

 

Ayon sa Deputy Security Minister ng Sinaloa Sa Mexico – missing ang anak ni El Chapo na si Juan Jose Esparragoza Monzon sa isang kulungan sa Culiacan sa Mexico.

 

Si Juan Jose na may alias na El Azul ang isa sa top 3 leader ng gang sa Sinaloa.

 

Magugunita na ang kanyang ama na si El Chapo ay nakatakas din ng kulungan noong 2015 sa mismong selda ng high-tech prison facility ng Altiplano sa pamamagitan ng isang tunnel.

 

Noong nakaraang taon ng nagbalilk kulungan ang tinaguriang worlds most wanted drug lord matapos ang isang madugong military operations.

Facebook Comments