Anak ng Tumakbong Board Member ng Isabela, Patay sa Pananaksak!

*Cauayan City, Isabela-* Pumanaw na ang isang lalaki na anak ng tumakbong Board Member ng Isabela matapos itong pagsasaksakin bandang alas dos ng madaling araw ng Agosto 15, 2019 partikular sa Airport Road, San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Revin Maloloyon, 26 anyos, walang asawa, isang negosyante at residente ng NAPOCOR St. District 1 sa nasabing Lungsod.

Habang nakilala naman ang apat na mga suspek na sina Prince Aldrin Felipe alyas Anito Bulaclac, 20 anyos, binata, residente ng Luna St.,District 2, Jerickson Cauilan, 22 anyos, residente ng Brgy. Guayabal, Butch Dumantay, 42 anyos, may asawa, residente ng Brgy. Minante Uno at Mark Errol Viernes, 23 anyos na residente naman ng Luna St. District 1 na pawang mga taga Lungsod ng Cauayan.


Nadakip ang mga suspek sa ikinasang follow up operation ng mga otoridad hab ang boluntaryo namang isinuko ng mga kaanak ng mga suspek sina Viernes at Dumantay.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan, lumabas na nag-ugat ang pananaksak nang komprontahin ng biktima at mga kasama nito ang mga suspek kaugnay sa pambabato sa kanilang sasakyan hanggang sa humantong sa mainitang pagtatalo.

Nauwi ito sa pananaksak ng dalawang beses ni Prince Aldrin Felipe sa katawan ng biktima na agad namang dinala ng kanyang kasamahan sa pagamutan.

Ang biktima ay anak ng tumakbong Board Member ng ika-anim na distrito ng Isabela na si Atty. Ralph Maloloyon.

Sa ngayon ay inihahanda na ng pulisya ang kasong Homicide na isasampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments