Anak ni Dra. Vicky Belo, naglabas ng sama ng loob matapos maitsapuwera sa kasal nila ni Dr. Hayden Kho

659

Manila, Philippines – Naglabas ng sama ng loob si Direk Quark Henares laban sa kanyang ina na si dra. Vicki Belo.

Ito ay matapos siyang maitsapuwera sa kasal mismo ng kanyang ina noong June 21.

Ayon kay Henares, nalaman na lang niyang kasal na ang kanyang ina sa longtime partner nito na si Dr. Hayden Kho sa media na nambulabog sa kanya sa kalagitnaan ng gabi.


Sa litrato naman na pinost ni Belo, makikita sa civil wedding nila ni Kho na kasama nila ang anak nilang si Scarlet Snow at ang nag-officiate ng kanilang kasal na si Makati City Mayor Abby Binay.

Mababatid na anak ni Belo si Quark mula sa una niyang asawa na si Atom Henares.

Facebook Comments