Anak nina Marian at Dingdong Dantes na si Baby Sixto, kinagigiliwan ng mga netizen

56
Photo Courtesy: Marian Rivera | Instagram

Nasungkit ang puso ng mga netizen sa pagkanta ng anak nina Marian at Dingdong Dantes na si Baby Sixto ng alphabet song.

Sa video na in-upload ni Marian sa kanyang Instagram, makikita kung gaano ka-adorable at cute si Baby Sixto habang kumakanta ng ABCs.

May caption ang video na, “ABC’s ala Sixto… Thank you anak for adding joy into our home”.

Kasabay nito, ilang celebrities din ang agad na nag-comment kung gaano ka-charming ang bunsong anak nina Marian at Dingdong

Sa ngayon ay nasa mahigit 1.2 million na ang views ng alphabet song version ni Baby Sixto.

Facebook Comments