Andi Eigenman, proud sa kanyang bagong boyfriend

Manila, Philippines – Masayang sinabi ng aktres na si Andi Eigenman na
proud siya sa kanyang bagong boyfriend.

Ayon sa aktres, handa niyang pakasalan sa tamang panahon ang kanyang
non-showbiz boyfriend na si Emilio Arambulo na isa din businessman.

Nagpapasalamat rin si Andi sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya, ganun
na rin sa kanyang anak na si Ellie.


Dagdag pa ng aktres, tanggap rin ng kanyang boyfriend kung ano man ang
kanyang nakalipas na relasyon.

Matatandaang noong July 2016 lumabas ang balita sa relasyon ni Andi at
Emilio makalipas ang naging hiwalayan ng naturang aktres sa aktor na si
Jake Ejercito.

Facebook Comments