Andi Eigenmann, nag-sorry na raw sa kaniyang ex-boyfriend na si Albie Casiño

Binasag na ng aktres na si Andi Eigenmann ang kaniyang katahimikan matapos akusahang hindi pa siya humihingi ng sorry sa kaniyang ex-boyfriend na si Albie Casiño kaugnay sa paternity issue ng kaniyang panganay na anak na si Ellie.

Depensa ni Andi, matagal na siyang humingi ng tawad kay Albie at hindi na niya ito isinapubliko dahil sa aktor siya nag-sorry at hindi sa mga tao.

Matatandaang 2016 ng kumpirmahin ng kapatid ni Andi na si Max Eigenman na si Jake Ejercito ang ama ni Ellie.


Sa ngayon, masayang namumuhay sa Siargao si Andi kasama ang karelasyong surfer na si Philmar Alipayo kung saan magkakaroon na sila ng ikalawang anak.

Facebook Comments