Andi Eigenmann, nagbabala sa netizens na gumagawa ng fake Instagram account ng kaniyang anak

73

Nagbabala si Andi Eigenmann sa mga taong gumagawa ng fake Instagram account ng kaniyang anak na si Ellie.

Sa kaniyang Instagram story, sinabi ni Andi na maraming beses na nilang nai-report ang nabanggit na pekeng account dahil marami ang naniniwala na iyon ang official account ng kaniyang anak.


Aniya, huwag basta-basta maniniwala sa mga nagpapanggap na page gamit ang pangalan ng kaniyang anak.

Nanawagan rin si Andi sa mga netizen na tulungan siyang mai-report ang naturang account.

Facebook Comments