Andi Eigenmann, tiniyak na hindi magiging ‘materialistic’ ang mga anak

124

Tiniyak ng aktres na si Andi Eigenman na simpleng pamumuhay ang kagigisnan ng kanyang mga anak na sina Ellie, Lilo at ng pinagbubuntis nito.

Bagama’t aminado itong nasanay sa mga material at mamahaling bagay noon, hindi raw niya tuturuang maging ‘materialistic’ ang kanyang mga anak.


Patuloy niya ring pinapaalala sa kanyang mga anak na huwag idepende ang kanilang kasiyahan sa mga materyal na bagay

“Teaching them to not be materialistic isn’t also equivalent to hating on all of these luxuries or all of these material items. It is just means raising them to learn how to be grateful and appreciative and find happiness in experiences, in other people, and in themselves.” ani Andi.

Dagdag pa nito, malaking parte sa kaniyang pagbabago ang kinakasama si Philmar Alipayo.

Facebook Comments