Andray Blatche, pinuri si June Mar Fajardo

Pinuri ni Andray Blatche ang kontribusyon ni June Mar Fajardo sa laro ng Gilas Pilipinas sa kanilang panalo kontra Kazakhstan sa iskor na 93-75 sa last window ng 2019 FIBA World Cup Qualifiers.

Tinawag ni Blatche na game changer si Fajardo dahil sa laki nang naitulong niya para manalo sa laro.

Nabatid kasi na maagang na-foul trouble si Blatche kaya at si Fajardo ang bumuhat sa buong kopunan.


Nagawa ng five-time PBA MVP na si Fajardo na makakuha ng 9 puntos at 5 rebound, sa loob ng 12 minuto na paglalaro nito.

Samantala, nakabalik na ang Gilas Pilipinas sa bansa at kanila namang paghahandaan ang FIBA World Cup sa Agosto 31 sa China.

Facebook Comments