Andray Blatche, twice a day na ang training

Pinapaspasan na ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao ang conditioning naturalized player na si Andray Blatche.

Magiging dalawang beses na sa isang araw ang pagsasanay ni Blatche bilang paghahanda sa FIBA World Cup.

Mag-eensayo siya kasama ang NLEX tuwing umaga.


Sa Gilas Pilipinas team practice naman sasama si Blatche pagdating ng gabi.

Ayon kay coach Guiao – mahalaga ito lalo na at busy pa ang national pool members dahil sa PBA Commissioners’ Cup.

Facebook Comments