Andrea Torres, kinumpirma na rin na hiwalay na sila ni Derek Ramsay

196

“Yes, Derek and I are no longer together.”

Ito ang naging pahayag ng aktres na si Andrea Torres matapos kumpirmahin na hiwalay na sila ng aktor na si Derek Ramsay.


Sa mensaheng ipinadala ni Andrea sa isang programa, sinabi nito na gusto niyang gawing pribado ang detalye ng kanilang paghihiwalay.

Dagdag pa ng aktres, nais din niyang bigyan ng respeto ang naudlot nilang relasyon ni Derek tulad ng ibinigay niyang halaga sa kanilang relasyon noon.

Sa huli, sinabi ni Andrea na palagi niyang hihilingin ang mabuting bagay para kay Derek at sakanyang pamilya.

Matatandaan, una nang nagsalita si Derek sa hiwalayan nila ni Andrea.




Aniya, masyado raw naging mabilis ang pangyayari sa kanilang naging hiwalayan at nilinaw rin ng aktor na walang naging third party sa kanilang relasyon na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Facebook Comments