Ang pagsaludo ni Radyoman sa mga bayani ni Juan

Kahit malayo sa pamilya, tuloy ang pakikipaglaban ng mga frontliner sa buong mundo para masugpo ang COVID-19.

Kabilang dito ang Pilipinang si Ria Andrea Cadsawan David, isang registered nurse Mula Jeddah, Saudi Arabia na tubong Laguna.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni David na kahit miss na miss na niya ang kanyang pamilya sa Laguna, pinili niya pa ring magligtas ng buhay sa ibang lupain.


Araw-araw siyang bumabangon para pumasok at harapin ang panibagong araw kahit minsan ay nakakaranas sila ng panggigipit.

Nabatid na sa ngayon, umabot na sa 65,077 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Saudi Arabia kung saan 351 ang namatay at 36,040 ang nakarekober.

Facebook Comments