ANG PROBINSYANO | Coco Martin at ilang ABS-CBN top executives nakipagpulong sa ilang opisyal ng DILG at PNP

Manila, Philippines – Nakipagpulong na si Coco Martin at ABS-CBN executives sa pamunuan ng DILG at ilang opisyal ng PNP.

Sa kabila na closed door ang pagpupulong, kapwa inihayag ng magkabilang panig na naging maganda ang dayalogo.

Partikular na ipinunto ng DILG sa pulong ang pangit na imahe ng karakter ng hepe ng PNP sa istorya ng Ang Probinsyano, dahil pinaiigting aniya nila ang internal cleansing ng PNP.


Pero tiniyak na hindi pakikialaman ng DILG ang istorya ng Teleserye.

Magpipirmahan naman ng Memorandum of Understanding sa lunes hinggil sa limitasyon ng paggamit ng mga sasakyan, kagamitan, logo, at gusali ng PNP.

Ayon sa DILG, tuloy ang suporta nila sa palabas.

Susunod na mga araw ay muling makikipag pulong si Coco Martin kay PNP Chief Albayalde.

Sa ngayon kasi ay dumadalo ito sa International Criminal Police organization general assembly sa UAE.

Facebook Comments