Angat Buhay, nakatanggap ng mahigit P1-M na donasyon

63

Ibinahagi ni dating Vice President Atty. Leni Robredo na umabot sa P1,068,470 ang nakatanggap na donayson ng Angat Buhay.

Sa kaniyang Facebook page, pinasalamatan ni Robredo ang lahat ng nakiisa sa kanilang Street and Art Festival.

Aniya, malaking bagay ang donasyon na ito para sa pagsisimula ng kanilang organisasyon.


Ngayon Hulyo 02, ang huling araw ng Street and Art Festival kung saan may mga bagong likhang sining na maaaring maiuwi ang mga magbibigay ng donasyon.

Facebook Comments