Angel Locsin, nagsalita na tungkol sa isyu ng body shaming

213

Nagsalita na ang aktres na si Angel Locsin tungkol isyu ng body shaming at tinawag na “cheap comments” ang pag-uugnay sa kanya sa salitang “obese”.

Kasunod ito ng kumalat sa social media na learning module kung saan ginamit na halimbawa ang aktres tungkol sa hindi magandang eating lifestyle.


Say ni Angel, hindi na lamang niya papansinin ang mga ganitong klaseng insulto at hindi ang mga “cheap comments” ang makakapagsabi kung sino talaga siya.

Mas ikinabahala raw ng aktres ang maling pag-uugali tulad ng pambabastos at pangungutya sa kapwa na maaaring matutunan ng mga bata.

Matapos nito, nag-sorry na ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa aktres at nilinaw na hindi galing sa kanila ang learning module kundi sa isang guro bilang parte ng pagsusulit sa mga bata.

Facebook Comments