Angelica Panganiban, ayaw nang magkomento tungkol kay Carlo Aquino

199

Tumanggi nang magkomento si Angelica Panganiban matapos ang pakiusap sa netizens ng dating ka-loveteam at ex niyang si Carlo Aquino na huwag i-bash ang girlfriend nitong si Trina Candaza.

Say ni Angge, hindi na bahagi ng kanyang buhay si Carlo kaya wala na siyang alam sa nangyayari sa aktor.


Nang tanungin naman kung bukas ito sakaling makipag-usap sa kanya si Carlo.

Sagot ng aktres, matagal na niyang hinintay ang explanation ng aktor at sana raw ay matagal na niya itong ginawa.

Kamakailan lang nang nag-post si Angelica ng “I Miss You” sa kanyang Instagram kaya inakala ng netizens na baka may nagpapatibok na ng puso ng aktres.

Tumanggi siyang i-reveal kung sino ang tinutukoy niya sa post pero ang sigurado aniya sa ngayon, ayaw niyang pumasok sa panibagong relasyon.

Bukod sa abala sa trabaho, ini-enjoy daw sa ngayon ni Angelica ang pagta-travel nang mag-isa.

Facebook Comments

From Advertisers