Anggulong may kinalaman sa adbokasiya ang pagkakapatay sa isang abogado sa Nueva Ecija, sinisilip ng DOJ

Posibleng atasan ng dept of justice ang inter-agency task force on extra-judicial killings para magsagawa ng sarili nitong imbestigasyon sa pagpatay sa isang abogado sa Nueva Ecija.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, kung mayroong indikasyon na ang pagpatay kay Atty. Bayani Dalangin ay may kaugnayan sa kanyang mga adbokasiya.

Ang 73-anyos na abogado ay pinagbabaril sa loob ng kanyang opisina nitong weekend.


Una nang umapela sa mga otoridad ang integrated bar of the Philippines para sa matukoy at mapanagot ang mga suspek sa pagpatay kay Atty Dalangin.

Facebook Comments