Angkas, bukas sa pagpasok ng iba pang Motorcycle Ride-Sharing Service  

58

Bukas ang Motorcycle Hailing Service na Angkas sa pagpasok ng mga bagong Motorcycle Ride-Sharing Apps.

Ayon kay Angkas Chief Transport Advocate George Royeca, nakikita nila na pwede pang lumawak ang Motorcycle Taxi Services.


Aminado si Royeca na ang Angkas ay nananatiling nasa pilot run base sa Congressional Resolution at Guidelines mula sa Dept. of Transportation (DOTr).

Maliban sa Angkas, ang iba pang Motorcycle Sharing Apps na gustong mag-operate ay Citimuber, Joyride, Moveit, Esetgo, Sakay, at Vroomgo.

Ngayong Linggo, pagdedesisyunan ng Land Transportation Francising and Regulatory Board (LTFRB) kung ang mga kumpanya na ito ay papayagang magsagawa ng operasyon sa bansa.

Facebook Comments