Angkas driver, pinapurihan sa pagkakahuli sa supplier ng party drugs

Screengrab: NCRPO Pressclub//Facebook

Pinuri ni National Capital Region Police Office Director Guillermo Eleazar ang Angkas driver na naging susi sa pagkakaaresto ng dalawang estudyanteng supplier ng iba’t-ibang uri ng ‘party drugs’ sa lungsod ng Makati.

Ayon kay Eleazar, maganda ang ginawa ng driver na nagtungo sa pulisya nang makaramdam ng pagdududa sa dala niyang package.

Aniya, umaasa siyang magiging mapanuri rin ang ibang courier services sa mga package na ipinadadala sa kanila.


Nabatid na kumuha ng serbisyo ng Angkas ang mga suspect para mag-deliver ng party drugs na nagkakahalaga ng halos dalawang milyong piso.

Facebook Comments