Anibersaryo ng Duterte administration bukas, magiging simple lang ayon sa palasyo

130

Manila, Philippines – Hindi magiging magarbo ang selebrasyon ng unang anibersaryo ng Duterte administration.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Adnanar, mayroong nakahandang documentary film na ilalabas sa Government Media Agencies na tinawag nilang #change365 na may slogan na “Comfortable life for all”.
Sinabi ni Andanar, ipakikita dito ang maraming nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo na ang kanyang pagiikot para makasalamuha ang mga ordinaryong Pilipino at makita ang tunay na sitwasyon ng bansa.
Dahil aniya sa pagpapakita ng Pangulo ng kanyang dedikasyon sa pagtatrabaho ay nakuha ng Pangulo ang suporta, respeto at pagmamahal ng publiko.
Kaya naman nanawagan si Andanar sa taumbayan na patuloy na ipagdasal ang Pangulo para manatili itong malusog upang maipagpatuloy nito ang kanyang pagsisilbi sa bayan at ipagdasal din ang mga sundalo at pulis na isinusugal ang buhay matiyak lamang ang kaligtasan at seguridad ng mamamayan.

Facebook Comments