Anibersayo ng Bagyong Sendong Inalala ng mga Iliganon

Iligan City – Inalala  kahapon  ng  mga  iliganon  ang  malaking trahedyang  nangyari  sa  lungsod  ng  Iligan  matapos  tumama ang  bagyong  sendong  noong  nakaraang  taong  2011.
 
 
Disyembre  dise  syete  ng nasabing  taon  winasak ng  bagyong sendong  ang  libo-libong buhay  at  ari-ari-an  ng  mga  iliganon.
 
 
Kaya’t  emosyal ang mgadumalo sa  isinagawang programa  sa sendong  memorial  lalong-lalo  na  angmga  kaanak  na  nawalan  ng  mga  mahal  sa buhay  at  yung patuloy  na missing  hanggang  ngayon.
 
 
Nagsagawa  ng  misa  at nag-alay  ng dasal  at  bulaklak ang mga  kaanak  ng  mga  biktima  ng  nasabing trahedya.
 
 
  Para sa mga iliganon ay sana hindi na maulit pa angpinakamasakit na trahedyang kanilang naranasan noong kasagsagan ng bagyongsendong. (Ghiner L. Cabanday, RMN Iligan)
*** Photo credits to the owner
 

Facebook Comments