Anim katao, patay dahil sa matinding pag-ulan sa China

58

Nasawi ang anim na indibidwal habang aabot sa 200 katao ang lumikas dahil sa matinding pag-ulan sa China.

Ayon sa state media reports, tatlo ang nasawi sa Fujian Province, dalawa sa Jiangxi Province at isa mula sa Northern China.

Habang, tatlo naman ang nawawala matapos mahulog ang kanilang sinasakyan sa ilog sa bahagi ng Inner Mongolia Region.


Nabatid na nakakaranas ng seasonal rains at pagbaha ang China tuwing summer na karaniwang nangyayari sa Central at Southern areas.

Facebook Comments