Arestado ang anim na indibidwal sa Pangasinan matapos lumabag sa unang araw ng pagpapatupad ng gun ban kasabay ng pagsisimula ng election period ngayong 2025.
Ayon sa Police Regional Office 1, nahuli ang mga violators sa isinasagawang checkpoints sa buong lalawigan bilang pag-iigting sa seguridad at pagsunod ng publiko sa mga regulasyon mula sa COMELEC.
Kabilang sa mga naaresto ang isang 38 anyos na residente ng Brgy. Agdao, San Carlos City na nahulihan ng calibre 38 na baril matapos na nagdulot ng takot sa mga residente sa lugar.
Ayon kay San Carlos City PIO PLt. McKinley Mendoza, lasing umano ang lalaki nang mahulihan ng baril nang walang mai-presentang dokumento sa ginamit na armas.
Dagdag ng opisyal, patuloy na sinusuyod ng kanilang tanggapan ang lahat ng barangay sa lungsod upang maging matiwasay ang papalapit na eleksyon.
Kaugnay nito, tiniyak ni Police Regional Office 1 Regional Director PBGEN Lou Evangelista ang karampatang parusa para sa mga mahuhuling lumalabag sa batas at hinikayat ang publiko na makiisa sa pag report ng mga kahina-hinalang aktibidad sa kanilang tanggapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨