Anim na araw na COVID-19 vaccination drive, muling bubuksan ng QC LGU simula sa Miyerkules

44

Muling magsasagawa ng vaccination drive ang lokal na pamahalaan ng Quezon City simula sa Miyerkules, April 6.

Bubuksan ng Local Government Unit (LGU) ang ilang vaccinatìon sites para sa anim na araw na pagbabakuna kontra sa COVID-19.

Sa mga interesado, magpa-book na para maisama sa schedule ng first at second dose at booster shots vaccine simula sa Miyerkules, Abril 6.


Sa unang araw, bubuksan ang Placido del Mundo Elementary School at Susano Elementary School.

Sa Abril 7 naman magbibigay ng bakuna ang Philippine Medical Association para sa mga kabataan may edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Ang iba pang vaccination sites na bubuksan sa mga susunod na araw hanggang sa Abril 12 ay ang Philippine Medical Association, Loyola Heights Covered Court, Don Alejandro Roces Sr. High School, Kaligayahan Activity Center at Commonwealth Elementary School.



Facebook Comments