Anim na crew ng fishing vessel, nasagip ng Phillippine Navy sa Benham Bank na bahagi ng Philippine rise

85

Na-rescue ng mga tauhan ng Philippine Navy ang anim na crew ng fishing vessel na MR kupido sa Benham Bank sa Philippine Rise kahapon.

Batay sa ulat ni Lt. Regeil Gatarin, director ng Naval Forces Southern Luzon Public Affairs Office, nagsasagawa ng territorial defense operations ang BRP Andres Bonifacio nang matunton ang fishing vessel na MR Kupido na nakalubog ang kalahating bahagi sa dagat.


Bago ito, nakatanggap sila ng distress call mula sa fishing vessel na Gabriel 3 na nanghihingi ng tulong ang MR Kupido.

Batay sa salaysay ng mga crew, nakasalubong nila ang malaking alon na naging dahilan ng paglubog ng kanilang fishing vessel.

May bahagi raw ng kanilang bangka ang nabutas at 2 araw na silang nasa gitna ng dagat.

Matapos respondehan, binigyan ng Navy ang mga crew ng pagkain, damit at dinala sa ligtas na lugar.



Facebook Comments