Anim na indibidwal, tinangay ng armadong grupo sa Sulu

65

Manila, Philippines – Sapilitang tinangay ng armadong kalalakihan ang anim na indibidwal na mga Tausug sa Phase 4, Kalimayahan Village, Brgy. Latih, Patikul, Sulu.

Kinilala ang mga itong sina Jessy Trinidad, 55 anyos, Nene Trinidad, 56 anyos, Aloh Trinidad, 22 anyos, Lucy Hapole, 21 anyos, Junjun Hapole, 13 anyoa at Nelson Hapole, 7 anyos.

Ayon kay AFP Joint Task Force Sulu Commander Brigader General Cirilito Sobejana alas-8:45 ng gabi kagabi nang dukutin ang anim na residente sa lugar ng labing limang armadong kalalakihan.

Posibleng kidnap for ransom at gagawing human shield ang mga biktima ang motibo sa pamamaslang.

Nagpapatuloy ang pagtugis na ginagawa ng militar laban sa mga suspek upang mailigtas ang mga bihag.

Facebook Comments