Anim na kongresista, dumalaw kay Senator De Lima

234

Manila, Philippines – Anim na kongresista ang dumalaw kay Sen. Leila De lima ngayong umaga.

Mag aalas dyes kaninang umaga ng sabay sabay na dumating sa PNP Custodial Center sina Reps. Edcel lagman, Gary Alejano, Emmanuel Billones, Raul Daza and Teodoro Baguilat Jr.


Nauna naman si Rep. Edcel Lagman na dumalaw at nauna ring lumabas sa PNP Custodial Center at nagbigay ng pahayag.

Sinabi nito na hangad nyang payagan ng korte si Sen. De Lima na makadalo sa pagdinig ng senado lalo na ang mga importanteng usapin katulad ng death penalty at tax reform.

Paliwanag ni Lagman kung pinapayagang makadalo sa birthday party at iba pang okasyon ang mga nakabilanggo sa PNP Custodial Center ay mas dapat na payagan ng korte si Sen. Leila De Lima na dumalo sa mga mahahalagang pagdinig lalot elected Senator ito ng bansa.
DZXL558, Rea Mamogay

Facebook Comments