
Anim na indibidwal ang naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos magpanggap na mga tauhan ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon sa NBI, nag-aalok ang mga ito sa isang mayoral candidate sa Iba, Zambales na kaya nilang manipulahin ang resulta ng halalan.
Pero humihingi ito ng kapalit na P30 milyong piso para sa sure win ngayong halalan sa Lunes.
Ayon kay Atty. Genaro Montefalcon, nagpakialala sa kaniya ang mga salarin na may direktang koneksiyon sa dating Comelec Chairman na si Benjamin Abalos at pamangkin umano siya ni senatorial candidate Benhur Abalos.
Matapos maghinala, agad dumulog si Montefalcon sa Comelec na siya namang nag-report nito sa NBI dahilan upang masakote ang anim kahapon sa entrapment operation.
Hawak na ng mga awtoridad ang mga salarin at nahaharap sila ngayon sa reklamong Estafa, Usurpation of Authority at paglabag sa Automated Election System Law.