Anim na opisyal ng Customs sa Port of Subic na sinibak sa pwesto dahil sa kwestyunableng pagpasok ng asukal sa bansa, ibinalik na sa pwesto

Ibinalik na ng Bureau of Customs (BOC) sa pwesto ang anim na opisyal ng Port of Subic na sinibak kamakailan dahil sa kwestyunableng pagpasok sa bansa ng 140,000 na sako ng asukal mula sa Thailand.

Ito ay batay sa Office Order 003- 2022 na nilagdaan ni dating Commissioner Yogi Filemon Ruiz.

Sa imbestigasyon ng BOC, maayos at lehitimo ang mga dokumento sa importasyon kabilang ang mga clearance mula sa Sugar Regulatory Administration (SRA) na una ng napaulat na umanoy recycled.


Matatandaang sinibak sa posisyon ang anim noong Agosto 24 at pansamantalang inilipat sa Office of the Commissioner habang iniimbestigahan.

Facebook Comments