Anim na pamilya na may sampung taong may alitan, nagkasundo na kahapon sa Rido settlement

Maguindanao, Philippines – Maayos namang isinagawa kahapon sa 6th ID headquarters ang Rido settlement ng anim na pamilya mula sa bayan ng Buldon, Maguindanao kung saan ay kanila ng tinuldukan ang halos sampung taon nilang alitan.

Maituturing na makabuluhan ang araw kahapon sa anim na pamilya dahil winakasan na nila ang hindi pagkakaunawaan.

Ang mga pamilyang nagkasundo ay kinabibilangan ng pamilya Abo – Mamalakat, Taraal- Mamaco at Pacasmo at Wadiya.


Dalawa na ang namatay sa pamilyang Abo at Mamalakat gayundin sa pamilya Taraal at Mamaco habang isa naman ang namatay sa pamilya Pacasmo at Wadiya.

Kadalasang away sa lupa ang pinag-ugatan ng Rido at sa tinatawag na Maratabat o pride.

Kahapon ay nagkamayan at sumumpa sa Holy Quran ang mga nagkarido at nangakong iwawaglit na ang hindi pagkakaunawaan at mamuhay ng tahimik.

Kasama nilang isinuko kahapon ang anim na mga armas na kinabibilangan ng 1barret, 1 m16 rifle,1 m14, 1 shotgun, at mga bala kapalit ng isinukong mga armas ang proyektong pangkabuhayan.
DZXL558

Facebook Comments