Anim na presong nakatakas sa San Pedro City Jail, posibleng nagtatago sa Metro Manila

148

Manila, Philippines – Posibleng nagtatago lang sa isang lugar sa Metro Manila ang anim na presong nakatakas sa San Pedro City Jail sa Laguna.

Ayon kay San Pedro Police C/Supt. Harol Depositor – base na rin sa kwento ng ibang inmates, narinig mismo nila sa pag-uusap ng mga pugante na sakaling makatakas, sa Metro Manila sila pupunta.


Una rito, alas tres kaninang umaga nang makatakas sa kulungan ang mga presong sina Benjo Gayod Lopena, Mark Joseph Varias Alviar, Jordan Mahusap Ibañez, Ed Nino Edwardo Lozada Hernandez, Rey Erenia Rodrigo at Arvin Lizarda.

Samantala, iniimbestigahan na rin ng pulisya ang posibleng sabwatan ng mga pugante at pamilya nito na maaari umanong nagbigay ng kagamitan para maputol ang mga bakal sa selda.

Na-relieve naman sa trabaho ang jail guard na naka-duty noon na napag-alamang natutulog nang mangyari ang pagpuga ng mga bilanggo.

DZXL558




Facebook Comments