Anim na residente sa Santa Fe Bantyan Island sa Cebu, nagkasakit umano dahil sa pagkain ng fake rice

209

Cebu – Magsasagawa ng imbestigasyon ang National Food Authority o NFA-7 sa umanoy fake rice sa bayan ng Sante Fe Bantayan Island.

Anim na mga residente umano sa nasabing bayan ang nagreklamo na sumakit ang kanilang tiyan matapos makakain ng fake rice.

Ang video sa umanoy fake rice ay na-upload sa facebook kaya i-imbestigahan ito ng NFA-7 kong kompermado ba na fake rice ang nasaing ng ilang residente na dahilan sa kanilang pagkasakit.


Ayon sa information officer ng NFA-Central Visayas Olma Bayno, na kukuha sila ng sampol sa umanoy fake rice upang mapadala sa NFA central office at masailalim sa laboratory examination.

Facebook Comments