Anim na taong gulang na bata, patay nang masagasaan sa Zamboanga Del Sur

30

Pagadian, Philippines – Patay ang isang anim na taong gulang na bata matapos masagasaan ng rumaragasang sasakyan sa bayan ng Labangan, Zamboanga Del Sur.

Nakilala ang biktima na si Mohammer Cope, residente ng Dimasangca sa nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon, patawid ang biktima sa kalsada, nang araruhin ng humarurot na ford ranger na may plaka numero VFT-103.

Samantala, kusang sumuko sa mga pulis ang driver na si Anthony Arceo, 26 anyos, residente ng Poblacion Aurora, sa naturang lalawigan.

Facebook Comments