Anim na turista sa Boracay na pineke ang kanilang RT-PCR test, kinondena ng DOT

110

Hindi katanggap-tanggap sa Department of Tourism (DOT) ang ginawang pamemeke ng ilang turista sa resulta ng kanilang COVID-19 test para lamang makapasok sa Boracay Island noong Sabado, December 5.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, anim na magkakaibigan ang nahaharap sa kasong kriminal dahil sa pamemeke ng kanilang RT-PCR test results.

Pinuri din ni Puyat ang mabilis na aksyon ng Aklan Provincial police sa pag-aresto sa mga suspek.


Iginiit ng kalihim na hindi palalagpasin ang anumang malisyosyong gawain lalo na at magiging sagabal ito sa pagprotekta at pagbuhay ng turismo sa Boracay.

Hinikayat ng DOT ang mga stakeholders na panatilihin ang pagsunod sa health at safety protocols.

Facebook Comments