Anim patay habang siyam sugatan sa pagbaligtad ng van sa NLEX

Anim ang patay habang siyam ang sugatan sa aksidente sa bahagi ng North Luzon Expressway sa Apalit, Pampanga kahapon.

 

Nag-ugat ang aksidente nang sumabog ang gulong ng isang hyundai h100 semi-van sa NLEX viaduct sakop ng barangay Tabuyoc.

 

Dahil dito, nawalan ng kontrol ang van saka bumangga sa isa pang truck bago ito tuluyang bumaligtad.


 

Tumilapon naman ang mga pasahero nito.

 

Karamihan umano sa mga sakay ng van ay mga OFW na papunta sana sa Clark International Airport para sa kanilang flight.

 

Ginagamot na sa iba’t ibang ospital sa Pampanga ang mga nasugatan sa aksidente.

 

Agad din namang inaresto ang driver ng van.

Facebook Comments