COURTESY: Cris Servan̈o

Sa inilabas na pahayag ng Eastern Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (EastMinCom-AFP), narekober ang anim na katawan na sakay ng Super Huey Helicopter na bumagsak kahapon sa Barangay Sabud Loreto, Agusan del Sur.

Ayon sa EastMinCom, ang mga natagpuang katawan ay pinaniniwalaang piloto at crew members ng nasabing helicopter.

Kaugnay nito, hindi muna nila nilabas ang pagkakakilanlan ng mga nasawi bilang respeto sa mga pamilya nito.

Matatandaan na umalis sa Davao City ang nasabing helicopter na patungo sana sa Butuan City para magsagawa ng Humanitarian Assistance Disaster Response sa mga naapektuhan ng Bagyong Tino.

Ngunit nawalan ito ng komunikasyon habang nasa byahe kung kaya’t nagsagawa ng search and rescue operations ang mga kasama nito .

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa naging sanhi ng nasabing insidente.

Facebook Comments