Anne Curtis, masayang makita ang ina bilang “doting grandma” kay Dahlia

97

“Mas spoiled pa ang apo.”

Ganito inilarawan ng TV host-actress na si Anne Curtis ang kanyang ina bilang lola dahil sa labis na pagkahilig at pagmamahal kay Dahlia.

Mula kasi nang manganak si Anne sa Australia, isang taon din silang nanirahan doon kasama si Mommy Carmen at kapatid na si Thomas.


Bilang first-time parents, malaki aniya ang naitulong ng kanyang ina sa pag-aalaga sa anak nila ni Erwan Heussaff.

Samantala, wala pang balita kung kailan magbabalik showbiz si Anne matapos na umuwi sa Pilipinas noong Pebrero.

Facebook Comments